Lupang Hinirang. Hinihirang Pa Ba?

image

10AM. Naabutan ko sa Farmers, Cubao ang daily Philippine National Anthem as the mall’s daily opening rites. Binaba ko agad ang pagka-bigat-bigat kong gym bag at tumayo nang matuwid.

Habang kumakanta ng Lupang Hinirang, napansin kong halos lahat pala tumigil sa paglalakad. Halos lahat tumayo sa kinauupuan nila. Halos lahat nagbigay respeto sa ating pambansang awit. Nakakatuwa kasi alam pa pala nating magbigay galang sa Pilipinas through this act of respect. Nakakalungkot lang kasi yung iba, hindi talaga tumayo, hindi talaga tumigil sa paglalakad.

Sana sa susunod kong pagsaksi sa ganitong pangyayari ay lahat na ng Pilipino magbigay galang sa ating pambansang awitin.

Na-miss ko tuloy mag-flag ceremony.

Leave a Comment