Elorde Reyes Boxing Gym Experience

Woo! First time to use a voucher from Ensogo at first time din sa Elorde Reyes Gym sa Libertad, Mandaluyong. Success!

Before ako pumunta sa gym na hindi ko pa alam san banda sa Libertad ay bumili muna ako ng saging sa may palengke nila. Nakakatuwa kasi 17pesos lang tapos tatlong saging na. Woo! Tinimbang kasi. Ayan tapos hinanap na ang gym. Ang sabi lang malapit sa Metrobank at BPI. Nakita ko na yung dalawang banko pero di ko pa din mahanap yung gym. Yun pala katabi lang ng BPI at hindi pansinin. Haha. Maliit lang yung gym at halatang luma na at unti lang ang tao. Anyway, ayun na nga.

Start of warm up. Sinabay ba naman ako sa workout nung isang lalake na Muay Thai ang training. Eto yung ginawa namin.

– head stretching
– usual arms stretching
– lunges
– reaching of toes
– mountain climbers!
– squatrass!
– run in place
– jumping jacks

Sabi pa naman ni trainer, masusubukan kung sino ang matibay sa aming dalawa. Haha. Natawa naman ako dun kasi lalake yung kasabay ko. Iba naman endurance nung lalake sa babae diba? Pero natuwa ako kasi nakasabay ako sa guy. Naks!

Then mitts session na.
Si Kuya Jun-Jun. Tinanong ako kung first time ko. Sabi ko “first time dito sa Elorde.” Tama naman kasi first time ko sa Elorde pero hindi first time sa boxing. Haha. Tinanong ako kung san ako nagtrtraining. Sabi ko Peñalosa. Mejo nagulat sila kasi sabi ni Kuya Jun-Jun kay kuya Don-Don na nagwarm-up saken na “Peñalosa..magaling to..mapapasabak ako dito..” sabay tawa. Haha.

At that moment nag-isip ako. Anong meron sa Peñalosa bakit ganun ang reaction nila sa mga taong nagtrtraining dun.. It gives me an assumption na yung mga trainers sa Peñalosa ay magagaling and tinitrain nila yung mga customers as if they are really professional boxers which is good kasi natututo yung mga trainees.

Then start of the mitts.
Nagulat si trainer saken. Haha. Malakas daw yung suntok and halatang may history na ng training. The training went through. The usual training. Ang pinagkaiba lang or nadagdagan lang yung knowledge ko sa defense. May natutunan akong bago! Woo. Ang pagcounter attack na may sway then hook. Like… kalaban do the jab-straight. Then as a counter, mag-pedal (side) ako then hook. O diba may bago!

Gusto ko sana foot work kaso walang ladder. Asar. At eto pa. Haha. Nag-usap yung guy na nakasabay ko sa warm-up pati yung trainer ko. Sabi ni trainer, “malakas to (pertaining to me)… pwede na to ilaban..” tapos sabi ni guy “oo nga.. malakas..” Haha. I remembered the time in Peñalosa na ganun na ganun din ang sinabi ng trainer ko..ang lumaban na. Haha.

Ayun nakakatuwa lang kasi ngayon ko lang na-realize na sa pagboboxing ko, there is progress na nagmamanifest na physically.

Lastly, this is also my first time to workout using a gym shorts. Haha. Mas okay pala kasi nakakagalaw ka ng maayos. Walang distractions whatsoever.

Ayun.. I still have one more voucher. Planning to use it next Monday. Night shift kasi ako kaya Monday lang pwede. The rest, sa Peñalosa or sa Tiger City Gym na.

Go go go! Go for the fitter Tin Regis. C’mon mamon!!

0 Thoughts to “Elorde Reyes Boxing Gym Experience”

  1. You post interesting articles here. Your website deserves
    much more visitors. It can go viral if you give it initial boost, i know very useful service that can help you, simply
    type in google: svetsern traffic tips

Leave a Comment