Malkiel. Santos. MIKO.

image

Hindi ko aakalaing magkakaron ako ng kaibigan na katulad ng kasama ko jan sa picture. Sino mas matanda sa’min? Hindi halata noh. Haha.

Anyway, matagal na toh dapat na blog para sa isang kaibigan kaso dala ng pagod dahil sa hindi maayos na tulog dala ng walang tigil na pagbungkal ng kalsada sa’min, ay natagalan nga ang post na toh.

Isa lamang itong pasasalamat na para sa isang kaibigan na hindi ako iniwan mula simula hanggang ngayon. He’s one of the few who knew my ups and downs not just in work but in life. Kasama na ang love life. Haha. He may seemed to be younger than I am, but his experiences in life gave me a whole bunch of appreciation with this kid. Bata pa lang marunong na sa buhay.

Naaalala ko pa nung time na nag-team building kami sa Cavite. It was my first time to get drunk. Never did I drink again. Kasi naman ang traydor ng ginawa nilang mix. Anyway, isa siya dun sa mga ka-team kong umalalay saken. Nakakatuwa lang kasi we’ve become the best of friends sa team. Buddy-buddy. He gives me pieces of advice in life, I gave him pieces of advice in his career life. Speaking life.

Masaya man o malungkot na kwento kinakaya ni Miko. Haha. A strong man. For his family and for his girlfriend. Naks! A sanguine-choleric type person. Well, assessment ko lang naman yun. A jolly person with a dominant personality. Next blog na lang kung ano yang sanguine-choleric na yan.

Not-to-mention, having the same faith makes a difference. Having the same wavelength in ones faith makes such a big impact in me. Nakakatuwa nga si Lord eh. Accenture is my third company. Sa bawat kompanya kong pinapasukan meron talagang isa o dalawa na pareho kami ng faith. Magkakaiba nga lang ng kultura. For example, Miko is baptist ako pentecostal. Whatever the culture you have, basta yung bottomline na it is not about religion but relationship with Jesus. Yun ang mahalaga. 🙂

Ayun nga. Since Miko and the others got rolled-off from the project, napatunayan ko na naman ulit na distance is not a hindrance in friendship. Self explenatory na yan. Haha. Ang galing lang kasi hindi pinaalis ni Lord itong bubwit na toh. And I will forever treasure the friendship God gave me with this kid.

Can’t wait to see Miko serve the Lord in an unexpected way. Syempre with his family and girlfriend.

Continue to be a good and loving anak, kuya, boyfriend to your family and your one and only. Do not forget to be the salt and light within your team. Who knows through you one of your teammates gets to know who Jesus is. Keep pushing for the best.

I am always here to guide you sa career mo. Just let me know how can I help. Ate Tin will always be here if you need prayers, as well.

Way to go, Miko! Maraming, maraming salamat! Alam kong hindi mo birthday ngayon. Gusto ko lang bigyan kita ng space dito sa blog ko. Haha.

Pray. Until. Something. Happens.
PUSH.

Leave a Comment