image

“Kuya Dante, gawin mo akong tunay na boxer.” 8 rounds of mitts with defense. 2 rounds of speed ball. 2 rounds of suspension ball. 3 sets of weight lifting. Grabehan tong si Kuya Dante (right) kung makapagtraining. Wagas.

This was taken last February 24, 2014.

Train Mean. Literally, this was one of the highlights of my boxing career. Night shift schedule ako. Nag-ttrain ako after shift. Meaning 7AM. Antok. Bangag.
But what I like training early morning is walang tao sa boxing gym. Kung meron man, isa dalawa lang. Kapag hapon or gabi na, dun nagdadagsaan ang mga babae na gustong magpapayat.

Well, ganun din naman ang goal ko – ang pumayat. Pero nung time na to, February 2014, hindi ko na iniisip kung papayat ako. Given na kasi yun. Papayat ka kapag nagbboxing ka. Ang goal ko noon is paano lumakas ang suntok ko. Baka yun nga ang reason ba’t ko nasabi kay Kuya Dante ang mga kataga sa unang bahagi ng blog na ‘to.

That was really intense. Eto ang pinakamatagal kong boxing session. Hindi ako inaayawan ng trainer ko. Hindi tumitigil. Inaantay na ako ang bumigay. Haha. Ang galing lang kasi si Kuya Dante hindi siya yung pwede na. He trains for the best. Give it your best shot ika nga.

Yan ang kagandahan sa Peñalosa Boxing Gym. Hindi pipitsugin ang mga trainers. Boxers sila. Yung iba lumalaban pa rin. Yung iba tumigil na at nagtratrain na lang. Ang galing lang nila. At alam ko sa sarili ko gumaling ako sa boxing.

Natatawa lang ako noong una kasi sinabihan ako ng trainer ko, o pwede na to ilaban sa ring! Lakas eh. I was flattered at the same time feares of fighting. Why? I dint know defense. Lately ko lang natutunan yun eh.

Next time kung makabalik ako sa boxing gym, I’ll make sure na tuloy tuloy na.

I’m gonna buy the needed parafernalias na wala pa ako:
✅ Twins Boxing Gloves, 8oz – required. Worth ~P3k. Mahal pero matibay. I don’t buy second rate. Haha.
✅ Shorts for boxing – nakahanap na ako! Bibilhin na lang.
✅ Rubber shoes – optional since buhay pa si rubber shoes ko ngayon.

Lastly, I need to budget my allowance for this. P500 annual fee. P1K for 6 sessions monthly. Kaya toh. As of today, I’m subscribing in a gym worth P800 monthly and I dint even go to the gym daily. Hindi ko nasusulit. Tinatamad kasi ako. But with boxing, hindi ako tinatamad. May trainer kasi ako. Haha.

Anyway, there’s always a second chance in the fitness arena. Always have the heart to change your lifestyle.

Andito na naman ako sa stage na gusto ko patunayan sa sarili ko na pwede pa ulit ako bumalik sa pagpapapayat. Na papatunayan ko sa sarili ko kahit hindi ko ipalandakan sa buong social media world ang bawat experience ko sa fitness area. Pwede na siguro sa blog na toh. After all ako lang naman ang nagbabasa nito. Haha. More of compilation of some bits of my life.

To God be the glory! Thank you Lord for the second chance!

Leave a Comment